Press "Enter" to skip to content

Yosi Sa Halip Na Pagkain. 74-Anyos Na Lola, Binubugbog At Pinapagutuman Ng Sariling Anak

Mangiyak-ngiyak ang anak ng 74 anyos na Lola matapos habang isinusumbong kay Idol Raffy ang kasalukuyang pamumuhay ng kaniyang Ina sa kamay ng kapatid niyang nasa Bicol.

Sinapit ng matanda

Sa Kwento ni Gina Erencio, pinatira ng kaniyang Ina ang kapatid at asawa nito sa kanilang bahay sa Bicol upang may makasama ang kanilang Ina. Ngunit sa halip na alagaan ay minamaltrato nila ito ay hindi pinapakain kahit na ito ay may sakit sa pag iisip.

Yosi Sa Halip Na Pagkain. 74-Anyos Na Lola, Binubugbog At Pinapagutuman Ng Sariling Anak 2

Ayon pa kay Gina

“Nestor, Maricris. Bakit ganun ginawa nyo kay Mama? Bakit nyo sinaktan? Wala kayong karapatan saktan ang Nanay natin. Napaka walang hiya mo lalo ka na Maricris!”

Kaya lubos ang hinagpis ni Gina sa kaniyang kapatid dahil sa nalaman nitong sa halip na masustansyang pagkain ang ibinibigay sa matanda ay inaabutan lamang ito ng yosi.

Sumbong

Ayon kay Gina, nasumbong na niya sa DSWD at sa pulis ang ginagawa ng kaniyang kapatid at asawa nito sa kanilang Ina. Bukod pa dito ay pina-medico legal na daw ito ngunit hanggang sa ngayon ang wala pang bagong akasyon ang mga kinauukulan.

Kaya naman dumulog na ito sa tanggapan ni Idol para isumbong si Nestor Amaro at Maricris Amaro na siyang nagmamaltrato sa kanilang Ina.

Yosi Sa Halip Na Pagkain. 74-Anyos Na Lola, Binubugbog At Pinapagutuman Ng Sariling Anak 3

Mariing naman tinanggi ni Maricris na hindi nila binibigyan ng sigarilyo ang Ina at ito ay kanilang pinapakain taliwas sa sinusumbong at kino-complain ni Gina. Dagdag pa ni Maricris, nag iiba-iba ang ugali at nawawala-wala na sa sarili ang matanda kaya kung ano na lamang daw ang ginagawa nito.

Aksyon

Ayon naman kay Atty Gareth, wala pang batas dito sa Pilipinas na pumo-protekta sa mga Senior Citizen ngunit pwede ito Ipasok sa RA 7610. Ito ay ang batas na sumasaklaw sa pangangalaga ng Child Abuse dahil under dito ang mga taong may kapansanan at mga hindi kayang alagaan ang kanilang sarili kagaya ni Lola.

Dahil pwde ito Ipasok sa child abuse, may karapatan ang mga anak ni Lola na I-reklamo ang sinumang na umaabuso sa kanilang Ina kabilang na dito ang kapatid at asawa ni Nestor.

Yosi Sa Halip Na Pagkain. 74-Anyos Na Lola, Binubugbog At Pinapagutuman Ng Sariling Anak 4

Sa ngayon ay handa ng mag file ng kaso si Gina laban sa kaniyang kapatid sa ginawang pagmamaltrato sa Ina nito. Handa naman na tumulong sa imbestigasyon si Idol upang mabigyan ng aksyon agad ang nangyaring pagmamaltrato sa matanda.

SOURCE: YouTube/Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: