Press "Enter" to skip to content

YouTube Vlogger Mika Salamanca, Kasalanan Niya Nga Ba Kung Bakit Siya Naaresto Sa Hawaii?

Ang Filipina YouTuber at mang-aawit na si Mika Salamanca ay inaresto ng mga opisyal ng Honolulu noong Biyernes, ika-24 ng Hulyo dahil sa paglabag sa mandatory 14-day-self-quarantine ng Hawaii para sa mga dayuhang turista at returning residents.

Ang ulat ukol sa kaso

Sa ulat ng KITV4 ABC Island News, nakarating si Mika sa Hawaii mula sa Maynila noong ika-6 ng Hulyo. Apat na araw matapos nito, napagalaman ng Hawaii Tourism Authority (HTA) na nakita si Mika Salamanca na sumayaw at kumain sa publiko kasama ang mga kaibigan niya. Ito ay napatunayan dahil sa video na ibinigay ng mga nakasaksi at sa may-ari na nagkumpirma mismo na nandoon siya sa nasabing lugar.

Bago pa man siya inaresto, ang 20 taong gulang na influencer ay humingi ng paumanhin sa kanyang vlog noong Huwebes at inamin ang kanyang pagkakamali na lumabas kaagad pagkatapos na makarating sa bansang Hawaii.

Aniya, ang kapulisan ay nagpunta sa kanyang bahay at sinabi sa kanya na maari naman siyang lumabas kung ang resulta ng kanyang swab test ay mag-negatibo.

Ang magkaibang pahayag

Gayunpaman, nilinaw ng Special Agents mula sa Investigations Division of the Department of the Attorney General na hindi nila pinapahintulutan ang mga nag-negatibo sa COVID-19 na suwayin ang self-quarantine rules.

YouTube Vlogger Mika Salamanca, Kasalanan Niya Nga Ba Kung Bakit Siya Naaresto Sa Hawaii? 2
Photo Credit: Rappler

Nabanggit din ni Mika sa kanyang video ang numero na sinabi sa kanya ng mga opisyal na maari niya itong ibigay sa mga nagnanais ng karagdagang impormasyon tungkol sa kanyang kaso. Ngunit ayon sa isa pang ulat ng KITV, hindi pinasisinayanan ng estado ang mga naturang tawag dahil hindi naman ito makatutulong sa kanilang mga operasyon.

Ang pahayag ng Hawaii

Pahayag ni Attorney General Clare E. Connors sa isang pahayag sa KITV,

“None of my investigators would convey that information, as it is incorrect. The fact that Ms. Salamanca has so many followers makes her actions that much more dangerous and concerning,”

YouTube Vlogger Mika Salamanca, Kasalanan Niya Nga Ba Kung Bakit Siya Naaresto Sa Hawaii? 3
Photo Credit: One Music PH

Dagdag pa nito,

“The spread of misinformation can have very severe consequences during an emergency situation like we are in now.”

Ang kamag-anak ni Mika ay nag-labas ng $2,000 na pampiyansa upang makalabas siya matapos maaresto sa Waipahu, isang bayan sa O’ahu, Hawaii.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: