Press "Enter" to skip to content

Zeinab Harake, Ipinatulfo Ng Kaibigan Dahil Sa Pang-iiscam Nito!

Kalat ngayon sa social media ang video mula sa YouTube channel na Raffy Tulfo in Action tungkol sa pag-dulog ng matalik na kaibigan ng vlogger na si Zeinab Harake kay Raffy Tulfo dahil sa pangiiscam nito aniya sa kanya.

Viral video

Ikinapanayam ni Raffy Tulfo ang nag-rereklamo na si Wilbert Tolentino, isang businessman at vlogger, at ang inirereklamong sikat na vlogger na si Zeinab Harake sa RTIA YouTube channel, kung saan dito ay sinabi ni Wilbert na siya ay ini-scam ni Zeinab.

No description available.

Ani Wilbert, may isa raw silang video na ginawa kasama si Zeinab na ia-upload dapat sa youtube channel nito. Ito raw ay ang ‘Itlog Challenge” na sa hindi inaasahang pangyayari ay nasira aniya ni Zeinab ang naturang video.

Dagdag pa sa inireklamo ni Wilbert ang paghiram umano ng PA ni Zeinab ng pera na nagkakahalagang Php50,000, ngunit hindi pa rin ito binabayaran.

Mainit na eksena

Pahayag ni Wilbert, si Zeinab ay hindi nagpakita ng pagiging propesyonal dahil sa ginawa nito at tila panloloko nito sa kanyang tutulungan siya sa kanyang youtube channel. Paniniwala ng nagrereklamo ay ayaw naman talagang ibigay ni Zeinab ang video sa kanya.

No description available.

Pahayag naman ni Zeinab, ibabalik niya na lang ang pera na inutang sa kanya ng kanyang empleyado, pati narin aniya ang ginamit nilang laptop para mabalik umano ang video nila ni Wilbert.

Tuloy ang demanda

Matapos ang tila mainit at mahabang diskusyon, pahayag ni Zeinab na ikinatahimik ni Wilbert,

“Kung pinush niya na scam? Kailangan ko rin po Sir Raffy na kumausap ng abogado tungkol diyan, kasi parang sobrang bigat naman po ng bintang niya sakin.”

Zeinab Harake, Ipinatulfo Ng Kaibigan Dahil Sa Pang-iiscam Nito! 2

Ngunit bandang huli, inamin nilang ipinaprank lang nila si Zeinab at ang mga sinabi ni Wilbert ay kasama lamang sa pinagplanuhan nila ni sir Raffy.

Ngunit imbis na matuwa, itutuloy parin aniya ni Zeinab ang demanda laban sa kanyang kaibigan dahil sa paninirang puri nito sa kanya at dahil na rin sa nagdadalangtao siya. Aniya,

“Kasi sir nagpapahinga ako, tumawag po yung staff niyo, eh buntis po ako pag-gising ko ganito yung malalaman ko?”

No description available.

Mga pranksters

Dahil sa pangyayari, humingi ng paumanhin si Idol Raffy dahil sa maling timing ng kanilang pagpa-prank.

Sa puntong ito ay tila kinakabahan na si Wilbert na may pakana ng kanilang prank kay Zeinab. Ngunit… Hep..hep…hep… hindi narin natiis ni Zeinab na sabihin kay Wilbert na pina-prank lang din siyang magdedemanda ito laban sa kanya.

No description available.

Hindi lang si Wilbert ang naprank, ngunit ani ng mga nakapanood din nito ay tila naloko rin sila sa nasabing pangyayari. Sa kabila nito, maraming netizens ang nagsabing nasiyahan sa prank na isinagawa nina Raffy at Zeinab.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: